Nagbabalik sa music industry ang Asia’s Got Talent Season 1 finalist na si Gwyneth Dorado sa pamamagitan ng kanyang single na “Tulala.”

Magkakaroon ito ng worldwide release sa lahat ng mga music streaming services ngayong Sabado, September 3, 2022.

Sampung taon si Gwyneth nang sumali ito sa Asia’s Got Talent noong March 2015; at napabilib niya ang mga hurado na si David Foster, Anggu, Vaness Wu, at Melanie C. ng Spice Girls na binigyan siya ng standing ovation dahil sa kanyang husay sa pagkanta.

Read: PEPjams. Asia’s Got Talent finalist Gwyneth Dorado to stage first concert

Ayon kay Gwyneth, hindi siya kinakabahan sa tuwing kumakanta sa entablado ng Asia’s Got Talent dahil sobrang bata pa niya noon.

“Parang vacation lang po sa akin,” kuwento ni Gwyneth sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga karanasan niya sa international talent show na kanyang sinalihan noong 2015.

Patuloy niya, “Nagpunta po muna kami sa Malaysia. Yung first audition ko, one week ako sa Singapore, pati na rin yung semi-finals. And then yung finals po, two weeks ako.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“‘Roar’ po by Katy Perry ang unang kinanta ko, and then, semifinals, ‘Nobody’s Perfect’ by Jesse James, tapos sa finals ‘Titanium.’

“Sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez po ang mga host, at mga kasabayan ko sa contest ang El Gamma Penumbra, si Gerphil Geraldine Flores, at Junior New System.

“Ako po ang pinakabata sa amin noon.”

BACKGROUND IN MUSICAL PLAYS
Si Gwyneth ay 17 years old na ngayon at handa nang sumabak sa entertainment industry sa tulong ng Virtual Playground, ang talent management company nina Dondon Monteverde at Charlie Dy na namamahala sa kanyang showbiz career.

Pagkatapos sumali sa Asia’s Got Talent, naging aktibo si Gywneth sa mga musical play at ito ang mga pinagkaabalahan niya bago siya bumalik sa recording industry.

Kuwento niya, “After Asia’s Got Talent, I auditioned for theater plays [like] Annie and The Sound of Music. I’m one of the orphans sa Annie, at si Luisa Von Trapp sa The Sound of Music.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Then nag-release po ako ng original sound track for Pansamantagal, a Cinemalaya movie na si Gelli de Belen po ang bida.

“Then, ginamit din po sa Happy Times [movie ni Ricci Rivero] ang mga kanta ko.”

OPEN TO SINGING AND ACTING STINTS
Sa kanyang pagbabalik, inaasahan ni Gwyneth na makakapagsulat pa ito ng maraming kanta.

Bukas din siya sa posibilidad na umarte sa harap ng kamera na nasubukan na niya noon.

“More music po ang mga expectation ko pero na-try ko rin na pumasok noon sa acting, sa Kuwaresma.

“Walang problema sa akin ang acting, madali naman mapag-aralan,” ang buo ang loob na pahayag ni Gwyneth.

Bumilib ang mga miyembro ng entertainment press sa kanya dahil sa kanyang powerful voice nang awitin niya ng live ang “Tulala” at ang “The Movie on My Mind” mula sa popular musical play na Miss Saigon.


from https://www.pep.ph/guide/music/168219/gwyneth-dorado-a734-20220903